MANKAYAN, BENGUET-Nasimulan na ng Mankayan-Local Government Unit sa pamumuno ni Mayor Materno Luspian ang unang hakbang ng proyektong "Slope Protection and Restoration" para sa lumubog na palaruan ng paaralan dito, Oktubre 1.
Kabilang dito ang paggawa ng daluyan ng tubig mula sa mga gusali ng paaralan upang maiwasan ang run-off water na isa sa mga dahilan ng pagguho ng lupa tuwing tag-ulan.
Kasalukuyang pinaplano ang susunod na hakbang na paglalagay ng pansamantalang daanan ng mga magagaang sasakyan papunta sa Lepanto.
Kaugnay sa proyektong ito, may binuong Technical Working Group na kinabibilangan ng mayor, representative ng Lepanto Consolidated Mining Company, engineering office, simbahan, at ng barangay.
Maalaalang noong nakaraang taon pa ang suliranin ng paaralan dito ngunit ngayon pa lamang matutugunan sa pamumuno ng bagong halal na mayor ng Mankayan
By: Jedalyn Macwes
(Bukang Liwayway News Article,June-October 2010 issue)
No comments:
Post a Comment