Isang Lektyur- Forum ukol sa “Teen Age Pregnancy” ang isinagawa ng mga kawani ng
Goldfield Far East sa mga mag-aaral ng ikatlo at ikaapat na taon ng Mankayan National High
School na ginanap sa silid-aklatan ng paaralan dito, Peb. 11.
Sina Gng. Nellie Capuyan Ballola, Noelle Nazarino, at Myna Ingosan Bassanes ang mga
magbigay panayam sa nasabing paksa.
Tinalakay ni Ginang Ballola ang mga sanhi ng maagang pagbubuntis samantalang sa
Ginang Nazarino naman ang tumalakay sa epekto nito at kung paano ito maiiwasan.
Nagkaroon ng open-forum pagkatapos ng lektyur kung saan sinagot ng mga nagbigay-
panayam ang mga katanungan ng mga mag-aaral.
Tumagal ang lektyur nang dalawang oras.
No comments:
Post a Comment