Friday, 1 April 2011

2 mag-aaral ng MNHS, lumahok sa NSF 2011

STA. CRUZ, Laguna- Nagbigay-karangalan sina Jesebel Ambales at Ali Aswigui matapos
makwalipika sa National Science Festival na ginanap sa Pedro Guevarra Memorial National
High School ditto, Peb. 2-4.

Si Ambales ay mag-aaral ng unang taon sa MNHS Special Science Class ay nanguna sa
Divisyon Sci-dama level I.

Nanguna rin sa Divisyon Sci-dama level II si Aswigui, mag-aaral ng MNHS Sci- Class.

Sinamahan sila sa NSF ng kanilang tagasanay na sina Gng. Sharon Diassan at Gng.
Maria Fe Bumughawi.

“Bagamat hindi kami pinalad na mag-uwi ng karangalan , isang karangalan na rin ang
mapabilang sa kompetisyong Nasyunal.

Gaganapin naming ang puspusang pagsasanay para sa susunod na kompetisyon sa
darating na pasukan,” pagmamalaki ni Aswigui.

No comments:

Post a Comment